1. 2 years ago 

    Denial

    Ayon kay Beverly Smallwood, Ph.D., ang denial ay kadalasan nating ginagawa sa tuwing mayroong nangyayari sa ating paligid na hindi natin gusto. Ang denial ay isang uri ng defense o coping mechanism na nagiging aktibo tuwing tayo ay napapagitna sa isang matinding krisis sa ating buhay. Sa pagkakaalam ko, ang defense mechanisms ay only good for 6 months. Kapag raw lumampas na rito, hindi na ito makabubuti sa atin.

    Sa katunayan mayroon akong naaalalang 2 pang ideya na para sa akin (sa akin lamang) ay may relasyon sa salitang denial. Repression at Suppression. Simple lang naman ang pinagkaiba ng dalawa. Ang repression ay involuntary o wala sa ating kamalayan na nagagawa natin habang ang suppression naman ay voluntary o nasa sarili nating desisyon o will power ang pagtanggi.  Para sa akin, ang repression ay mas mataas na lebel ng supression. Habang tumatagal, mas nakukumbinsi na natin ang ating mga sarili na hindi nangyari ang mga masasakit na bagay na talagang nangyari sa ating buhay. Mga bagay na nais nating kalimutan, takbuhan o tuluyang iwaksi sa ating diwa.

    Sa tingin ko, ang pinakamatataas na uri ng denial ay nag-uugat sa ating pagkabata. Mga bagay na kinatatakutan, kinahihiya, sumasalungat sa nakagawian, sumasalungat sa tama, kaya mas mabuti pang kalimutan na lamang. Ang hindi natin alam, nadadala pa rin natin ito sa hayskul, sa kolehiyo, sa trabaho, sa buhay may-asawa, sa ating pagtanda. Tinatawag natin itong mga munting pinagkatago-tagong sikreto. At malaya tayong bigyan ito ng kahit anong kulay na naisin natin.

    Marahil ito ay nagmula sa..

    Isang Lunes na nalaman mo na hindi mo tunay na mga magulang ang mama at papa na iyong kinagisnan, pero ayaw mo itong paniwalaan at ayaw mong malaman nila na alam mo na ang totoo kaya hanggang ngayon hindi mo ito nababanggit sa kanila o sa kahit na kanino.

    Isang Miyerkules kung kailan narinig mong umiiyak ang iyong nanay sapagkat iiwan na kayo ng iyong ama para sa ibang pamilya. At hanggang ngayon nung nagpakilala ka sa iyong mga bagong kaklase sa hayskul o kolehiyo ay sinasabi mo pa ring swit na swit ang parents mo.

    Isang Biyernes kung kelan naiputok mo ang inaakalang laruang baril sa iyong ama o ina at hanggang ngayon sa tuwing natatanong ka kung ano ang ikinamatay nila e kalmado kang sasagot na car accident.

    O..

    Isang gabi ng Linggo at pinuntahan ka ni kuya, ate, pinsan, tito, tita, manong drayber, kasambahay, kapit-bahay, lolo o ni tatay sa kuwarto at tuluyan nang namulat ang iyong mga mata sa hubad na katotohanan.

    Ikaw, ano ang sikreto mo? At anong kulay mayroon ito?

  2. Comments
    blog comments powered by Disqus
avatar_128
 
 
 
 

Following

observandothecybernichedeepfriedjupiterhoontokkilovewithoutlimitswordsandlyricstrishallamzonholycrapihavetumblrvpgacariebombsawaystaffjakeandamiroopstekalangtoctothehandvoodoodollyannalittlewindmilleabehhhhhthirdumalikaththecrapoutrunawaytrainspidermashquiapoboifuckyeahhlovepacific18zombienovelalagunaboypoeticheartachemybuhaymarkgosingtianpinoypickuplinesjosemargothecelutiondestineationmcgyverdavidijudgebooksbytheircoverssheisprincessellelancedoesntblog11-eleven-wishesheartinthecloudsmemasabilanganakatherinadulasnikewl
 

Tumblr