1. 2 years ago 

    I Think That Hurts

    An old friend came for a visit just today. He now works in the car industry and I was really surprised to see him. Hindi ko alam kung saang parte ng bahay ko ba siya pauupuin. Close naman kami nung college. At kahit nung grumadweyt na sila e nagawa pa rin naman naming hindi pabayaan ang barkadahan. Pero nung ako na yung grumadweyt, medyo doon na kami nahirapan.

    So ayun. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya at nakuha naman niya ata iyon kaya siya na ang nag-umpisang magtanong kung ano raw ba ang kwentong narinig ko. Sabi ko hindi ko alam ang buong kuwento pero ang sabi niya wala na raw kayo.

    “Ano pa?”, tanong niya.

    “Sigurado ka ba na gusto mo pag-usapan to?”, ang patanong na tugon ko.

    “Ang sabi niya gusto mo na raw ata i-work out sa iba”, dugtong ko.

    So ayun. Parang ganun na nga ang kuwento. Nakikita ko naman sa mukha niya na hindi rin naging madali sa kanya ang mga nangyari. At nakikita kong seryoso siya sa sinabi niyang kung sakali mang mali ang naging desisyon niya ay paninindigan niya ito dahil kailangan.

    Almost 3 years din kasi sila ni “Tsari” (hindi totoong pangalan). At sa totoo lang, sila ang tinitingala ko pagdating sa isang relasyon. Ang tagal na kasi nila at ang dami na rin nilang napagdaanan. At nung panahon ko para mabigo, andun sila. Nakalulungkot isipin na totoo pala ang matagal nang kinatatakutan ni Tsari. Na mahal pa nga ni “Oyo” (hindi totoong pangalan, ulit) ang kanyang unang nobya at kinailangan niya ng halos 3 taon para mag-ipon ng lakas ng loob para harapin ito.

    Kahit na nasasaktan ako para kay Tsari, hindi ko rin naman magawang magalit kay Oyo. Pareho ko kasi silang kaibigan. Mismo si Oyo ay aminado na mali ang ginawa niya. Na sana ay hindi niya na pinaabot nang ganun katagal. Sang-ayon ako sa huli niyang sinabi.

    Ang lungkot. Parang nawasak ulit yung mundo ko. Yung inaakala kong matibay, tumumba rin. Parang ang hirap-hirap nang maniwala na meron pa ngang happy ending. Sa pelikula na lang ata nangyayari yun. Ang sakit isipin. Almost 3 years. Pero yung dati pa pa rin pala talaga ang nilalaman ng puso niya.

    Hay… naku.

  2. Comments
    blog comments powered by Disqus
avatar_128
 
 
 
 

Following

observandothecybernichedeepfriedjupiterhoontokkilovewithoutlimitswordsandlyricstrishallamzonholycrapihavetumblrvpgacariebombsawaystaffjakeandamiroopstekalangtoctothehandvoodoodollyannalittlewindmilleabehhhhhthirdumalikaththecrapoutrunawaytrainspidermashquiapoboifuckyeahhlovepacific18zombienovelalagunaboypoeticheartachemybuhaymarkgosingtianpinoypickuplinesjosemargothecelutiondestineationmcgyverdavidijudgebooksbytheircoverssheisprincessellelancedoesntblog11-eleven-wishesheartinthecloudsmemasabilanganakatherinadulasnikewl
 

Tumblr