1. 2 years ago 

    Truth of the Matter

    Kani-kanina lang ay nakausap ko sa pamamagitan ng YM ang isang kaibigan sa kolehiyo at hindi sinasadyang nabanggit ko ang tungkol sa bago kong mundo sa website na ito.  Tinanong niya kung ano ang URL ng site ko. Hindi ko binigay.

    Ginawa ko ang account na ito kasi dito malaya ako. Puwede kong isabog lahat ng bahong nakakulob sa utak ko at pakawalan ang tunay na nilalaman ng puso ko. Dito malaya akong maghubad at magsalwal kung kailan ko gusto. Nang walang paghuhusgang matatanggap mula sa taong inakala kong maiintindihan ako.

    Nangyari ito nang isang araw ay nagpost ako sa facebook ng isang, sabi nga nila, emo quote. At bigla may nagbigay ng mensahe sakin sa chat. Itago na lamang natin siya sa pangalang Burger King o Queen (BKQ). At ang sabi niya, “Grabe namang moving on process yan, ang tagal na ah!” Nabwisit ako. Pero gaya ng dati kelangan maging civil (minsan trip ko makipagrambulan sa isang lugar na walang nakakakilala sa akin) kaya ang sabi ko na lang “sori ah”.

    Samantalang ang talagang gusto kong sabihin noong mga panahong iyon ay:

    Sori ah kung hindi ako kagaya mo na napakabilis magmove on. Sori kung paminsan-minsan e namimiss ko pa rin yung masasayang araw dati. Si BKQ kasi ay bespren ng aking nakaraan. Within a month or two kasi matapos namin maghiwalay e nakipaghiwalay din si BKQ sa kanyang gelpren.

    May steadfast rule nga ba ang pag-usad? May eksaktong time frame nga ba na kapag lumagpas ka roon ay dapat kabahan ka na sapagkat hindi na ito normal? Hindi ko naman ginusto o ginugusto malungkot.  Sadyang may mga oras lang talaga lalo na sa gabi kapag patulog ka na sa iyong kama habang nakatingin sa kisame e mapapaisip ka. I try my best to think of happy thoughts.  Kung akala mo self-induced to, gago ka. And as far as i know, hindi naman naaapektuhan ang ADL’s (Activities of Daily Living) ko.

    WOW! Ang sarap ng pakiram na nasabi ko yun. Puwedeng isa pa?

    Gago ka. Ayan solb na.

    Ito ang dahilan kung bakit gumawa ako ng account dito.  Kasi dito, malaya ako. Kung may huhusga man, hindi ko kakilala kaya mas kaya kong tanggapin yun. Dito kasi pakiramdam ko normal ako. Na hindi ako nag-iisa. Na okay lang malungkot. That it’s okay to be a person who feels. That it’s okay to be a person who admits how he feels. And just being able to let it out, let it ALL out without the need to filter my crappy thoughts is way more than enough for me.

    Ako si blue ranger. At ako ang bida rito!

  2. Comments
    blog comments powered by Disqus
avatar_128
 
 
 
 

Following

observandothecybernichedeepfriedjupiterhoontokkilovewithoutlimitswordsandlyricstrishallamzonholycrapihavetumblrvpgacariebombsawaystaffjakeandamiroopstekalangtoctothehandvoodoodollyannalittlewindmilleabehhhhhthirdumalikaththecrapoutrunawaytrainspidermashquiapoboifuckyeahhlovepacific18zombienovelalagunaboypoeticheartachemybuhaymarkgosingtianpinoypickuplinesjosemargothecelutiondestineationmcgyverdavidijudgebooksbytheircoverssheisprincessellelancedoesntblog11-eleven-wishesheartinthecloudsmemasabilanganakatherinadulasnikewl
 

Tumblr