Kapapanood ko lang ng pelikulang ito. Sabi kasi sa cover “coolest romantic COMEDY” raw.
Coolest? It’s cool.
Romantic? Mmm… oo naman.
Comedy? Ano ulit yun? But seriously, nakakatawa siya. Nakalimutan lang ata nila (kung sino man ang responsable, di ko alam e) na idagdag ang “tragic”. Mismo ako, hindi ko rin mapagtanto kung saan ko ikakabit ang “tragic”; before or after ba ng “romantic”. Kamote.
I don’t think you’re supposed to invite someone special (in an intimate way) sa iyong engagement party. Kahit na sabihin nating hindi naman naging kayo at idagdag pa natin ang konting detalye na iniwan mo siya after all that you’ve had, just like that and you were gone, tingin ko (tingin ko lang naman) dapat mapaisip ka man lang kung tama bang imbitahin siya at hindi sabihin sa kanya na engagement party mo pala ang pupuntahan niya.
And so after the wedding.. nakakagagong coincidence na magkikita kayo sa park/bench, kung saan kayo dati tumatambay. Please naman wag ka nang lumapit at mangamusta at (wag ka) itanong kung ok ka lang ba? Utang na loob siyempre hindi okay yun.
Kahit kailan, mahihirapan ata akong unawain kung bakit ayaw mong maging tayo tapos konting araw o buwan lang matapos tayo maghiwalay e malalaman kong ikakasal ka na.
Pero thank you ah! Simple lang naman ang sagot nung babae. Base sa pagkakaintindi ko, ang sabi lang naman niya e isang araw nagising na lang ako na sigurado na sa kung ano man yun na hindi ako naging sigurado pagdating sayo.
Ganun lang?
Yeah, ganun lang. 